Ang Agimat, na kilala rin bilang anting-anting o bertud, ang pamosong katawagan para sa mutya o amuleto sa Pilipinas. Malaki ang ginagampanang papel nito sa mitolohiya ng katutubong Pilipino. Bagamat marami na ang naging pagbabago sa konteksto ng agimat, ginagamit pa rin ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino. Sa mga katha at relihiyon, ang agimat ay iniuugnay sa mga ideya ng isang tao ukol sa pamumuno, kapangyarihan, nasyonalismo at rebolusyon.
Sa lugar ng Mt. Banahaw ay talamak ang mga nagbebenta ng agimat. Sa pagpunta mo pa lamang sa ilog ng Mt. Banahaw ay mayroon ng mga tindahan na nakatayo bago ka pa man makarating dito. Itinitinda ang mga anting-anting na ito mula 40-500 pesos depende sa laki at mga kasangkapan na ginamit nila dito.
Tuwing Mahal na Araw ay dumaragsa ang mga tao sa ilang sagradong lugar gaya ng Bundok Banahaw at doon sila nagninilay-nilay sa mga nagawang kasalanan. Base sa aking na-interview na gumagawa ng mga anting-anting, ang pinakamalakas nilang benta dito ay tuwing Mahal na Araw sapagkat maraming mga deboto ang bumibili sa kanila. Samantalang, kakaunti lamang ang kanilang nabebenta kapag normal na araw lamang. Sa lagay na ito, kapag dumarami ang bumibili ng mga produkto (quantity demand) nila ay tumataas ang quantity suplay at sabi ng nagtitinda ay ang kanilang mga agimat ang pinakamaraming quantity suplay sapagkat ito ang may pinakamalaking quantity demand
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento